PANMUNJOM, South Korea (AP) — Nagdeklara si U.S. Vice President Mike Pence kahapon na tapos na ang panahon ng pagpapasensiya sa North Korea at nagpahayag ng pagkayamot sa pagmamatigas ng rehimen na burahin ang mga nuclear weapon at ballistic missile nito.

Bumisita si Pence sa military base malapit sa Demilitarized Zone (DMZ) na naghahati sa North at South Korea, para sa briefing kasama ang mga lider ng militar at para makipagpulong sa mga tropang Amerikano na nakadestino roon. Ang Camp Bonifas, pinagsanib na kampo ng U.S.-South Korean military, ay nasa labas lamang ng 2.5-milyang lawak na DMZ.

Tinukoy ang 25 taon simula nang unang magkaroon ang North Korea ng nuclear weapons, sinabi ng vice president na tapos na ang panahon ng pagpapasensiya.

“But the era of strategic patience is over,” ani Pence. “President (Donald) Trump has made it clear that the patience of the United States and our allies in this region has run out and we want to see change. We want to see North Korea abandon its reckless path of the development of nuclear weapons, and also its continual use and testing of ballistic missiles is unacceptable,” sabi ni Pence sa mga mamamahayag.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture