Suspendido ngayong Lunes ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), o number coding scheme, sa Metro Manila maliban sa mga lungsod ng Makati at Las Piñas.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Tim Orbos na pansamantalang sinuspinde ang number coding sa mga pampubliko at pribadong sasakyan upang mapaginhawa ang biyahe ng mga magsisibalik sa Metro Manila simula kahapon hanggang ngayong Lunes.

Bukod dito, pansamantalang binawi ang light truck ban kaya malayang makadadaan sa EDSA at Shaw Boulevard ang maliliit na truck habang hassle-free rin ang biyahe ng mga provincial bus dahil sa suspensiyon ng number coding.

Ayon pa kay Orbos, full force ang mga tauhan ng MMDA partikular ang libu-libong traffic enforcers na ipinakalat sa mga lansangan sa Metro Manila, partikular sa North Luzon Expressway (NLEX), EDSA, Commonwealth Avenue, Balintawak, North Harbor, Baclaran area sa Pasay City at South Luzon Expressway (SLEX).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Balik na rin sa normal ang operasyon ang Pasig River Ferry Service System ngayong Lunes matapos suspindehin ng ahensiya nitong Abril 11. (Bella Gamotea)