CLEVELAND (AP) – Muling papagitna sina LeBron James at Kawhi Leonard kapwa target na sandigan ang kani-kanilang koponan sa 2-0 bentahe sa NBA playoffs ngayong Lunes (Martes sa Manila).

Nasungkit ng No.2 seed ang series opening win sa magkaibang pamamaraan. Nalusutan ng Cavs ang matikas na Indiana Pacers nitong Sabado (Linggo sa Manila), habang nadomina ng San Antonio Spurs ang Memphis Grizzlies.

Anuman ang kaganapan sa simula ng serye, walang kasiguraduhan sa top seeded team.

Ginapi ng No.6 seed Milwaukee Bucks ang No.3 seed Toronto Raptors, 97-83; habang naungusan ng No.5 Utah Jazz ang No.4 Los Angeles Clippers, 97-95, mula sa buzzer-beating jumper ni Joe Johnson.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nakalusot ang Cavaliers sa 109-108 panalo nang sumablay ang buzzer-beating jumper ni C.J. Miles. Ngunit, isinantabi ni James ang isyu na ang iba ang kinalabasan ng laro kung naipuwresa ng Pacers ang laro sa overtime.

“If I didn't get that block last year in the Finals, what happens?" pahayag ni James bilang tugon sa katanungan kung ano ang sitwasyon sa Cavs kung natalo.

"There's so many (hypotheticals). You can't look at a game like that. He missed, we won. So if it's not a rain delay in Cleveland here in the World Series, then we win the World Series? Listen, you can't ask that question, man.It is what it is."

Taliwas naman ang resulta ng Spurs na walang hirap na pinataob ang Grizzlies.