STO. DOMINGO, Nueva Ecija - Nadakip ng mga awtoridad ang 51-anyos na lalaki na itinuturing na most wanted sa Sto. Domingo, Nueva Ecija dahil sa kasong panggagahasa.

Ayon sa ulat ng Sto. Domingo Police, dakong 1:30 ng hapon nitong Sabado nang madakip si Jaime Vedera y Corpuz, 51, may asawa, fish vendor, ng Purok 3, Barangay Baloc.

Inaresto si Vedera sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Anarica Castillo-Reyes, ng Regional Trial Court (RTC) Branch sa Sto. Domingo, para sa apat na bilang ng rape, at walang inirekomendang piyansa para sa kanya.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

61-anyos na dayuhan, arestado sa patong-patong na 'sexual offenses'