Cast ng 'Meteor Garden' copy

NAGKAGULO sa sobrang tuwa ang fans ng F4, Barbie Zu at sumubaybay sa Meteor Garden nang lumabas ang balitang ire-remake ang Taiwanese drama after 16 years. 

Unang umere sa Taiwan ang Meteor Graden noong 2001 na tinampukan nina Jerry Yan, Vic Chou, Ken Chu at Vaness Wu o F4 at ni Barbie at naging super successful at hindi makalimutan hanggang ngayon.

Una naming nakita sa Twitter ni Barbie ang old poster ng Meteor Garden at may nakasulat na ‘2018?’ Doon pa lang, nagkagulo na ang fans all over Asia. 

Trending

Lalaki, nalulong sa sugal; ipon na ₱800K, naglaho na lang parang bula

Sabi ni Angie Chai, creator ng show, “The 48-episode reboot will be fuller-and flashier and the production cost is NT$270 million (S$33million), or NT$15million an episode.” Mas mas mataas 30 times sa budget ng original show.

Hinihintay na kung sino ang bagong cast at ayon uli kay Angie Chai, “We may use new people, idols or serious actors.

Everyone is welcome to offer candidates.” 

Ibig sabihin, magkakaroon ng audition, kaya wait na lang tayo. (NITZ MIRALLES)