PATULOY ang paghahakot ng award ng 4-hour long na pelikulang Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz. Muli niyang nakamit ang parangal bilang best director kamakailan sa Dublin Film Critics Circle awards sa Ireland.
Last year, natamo ng pelikula ang Golden Lion prize sa Venice Film Festival at tinanghal din si Charo Santos Concio bilang best actress.
Ayon sa DFCC president na si Tara Brady, “grueling experience” ang kanilang pagpili ng winners.
Ang best picture ay ipinagkaloob sa pelikulang Aquarius starring Spanish actress Sonia Braga. Ang best actress category ay natamo ni Florence Pugh para sa Lady Macbeth. Ang best actor ay pinagwagian ni Sherwan Haji para sa pelikulang The Other Side of Hope.
Nasa Harvard si Lav ngayon para sa Radcliffe Fellowship.
Sa isang pahayag, ito ang kanyang isinaad: “Ibinabalita lang natin sa bayan, panbawas kahit katiting man lang sa salimuutang dinaranas natin.” (Remy Umerez)