ENGLAND, Unitd Kingdom – Matapos ang mahabang 16 oras na biyahe, dumating ang kampo ni Pinoy fighter “King” Arthur Villanueva sa Leicester, England, United Kingdom kahapon para makapaghanda sa nakatakdang title eliminator kontra dating IBF Superfly world champion Zolani Tete ng South Africa sa Linggo.

Kasamang dumating dito sina ALA Boxing Gym trainers Edito Villamor at Robert Eturma.

Ayon kay Villanueva, ang reining WBO Asia-Pacific bantamweight champion na may record na 30 panalo, tampok ang 16 TKO, nasa tamang kondisyon ang kanyang pangangatawan at kaisipan laban kay Tete.

“I just had to make adjustments in my training and I can say is that I am very ready to face Tete,” pahayag ni Villanueva sa panayam na nalathala sa Philboxing.com.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Fortunately, I did not encounter problems during my very long training camp and I am also very thankful that even though I am very exhausted from the travel, when I woke up this morning, I felt rejuvenated and recharged.”

Hindi estranghero sa malayong biyahe ang 28-anyo na pambato ng Bago City, Negros Occidental, dahil sa nauna niyang mga laban sa United States (US), Dubai, UAE at Japan.

Huling sabak sa abroad ni Villanueva kontra Mcjoe Arroyo na tumalo sa kanya via controversial technical decision.

Ang mananalo sa laban nina Villanueva at Tete (24-3-0, 20KOs) ang bibigyan ng karapatan na humamon kay Filipino WBO bantamweight champion Marlon “Nightmare” Tapales, nakatakdang magdepensa ng korona sa April 23 sa Osaka, Japan kontra Shohei Omori.