Mga Laro sa Huwebes

(St. Placid gym, San Beda College)

8 n.u. -- Ateneo vs PMMS

9:30 n.u. -- NU vs EAC

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

11 n.u. -- Batang Gilas U16 vs AMA

12:30 n.h. -- UST vs Enderun (women)

2 n.h. -- UST vs AMA (jrs)

KABUUANG 35 koponan sa men’s, women’s at junior divisions ang sasabak sa 23nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament.

Pangungunahan ang liga ng defending champion Arellano University Chiefs, University of the East Lady Warriors at NU Bullpups

Sisimulan nila ang kampanya sa pagsabak sa five-game bill sa opening day ng torneo sa April 20 sa St. Placid gym ng San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Target ng Chiefs na mapanatili ang senior division crown laban sa 11 karibal sa tatlong buwang torneo.

Gaganapin ang mga laro sa San Beda College-Manila campus sa Mendiola, ayon kay chief organizer Edmundo “Ato” Badolato at commissioner Robert de la Rosa.

Sa opening day, magtutuos ang Ateneo Blue Eagles at Philippine Merchant Marine School ganap na 8:00 ng umaga, kasunod ang hidwaan ng NU Bulldogs at Emilio Aguinaldo College sa 9:30 ng umaga, habang haharapin ng Batang Gilas under 16 national team at AMA sa 11:00 ng umaga.

Sa bandang hapon, maglalaban ang University of Santo Tomas at Enderun sa women’s play sa 12:30 ng hapon at UST kontra AMA sa 2:00 ng hapon.

Kabilang ang UE Lady Warriors sa walong kalahok sa women’s side, habang may 15 koponan, sa pangunguna ng Bullpups ang kalahok sa juniors division.

Ayon kay Badolato, ang Batang Gilas Under 16 national men’s team ay guest team bilang bahagi sa paghahanda sa SEABA tilt.