WALA nang alalahanin para sa hosting ng lalawigan ng Antique para sa 2017 Palarong Pambansa.

Ayon kay Antique Palarong Pambansa Organizing Committee chairman Arthur Lastimoso, maayos na ang lahat at nailagay na sa tama ang lahat ng pangangailangan, higit ang track oval na gagamitin sa opening ceremony sa Binirayan Sports Complex sa kapitolyo ng llawigan sa San Jose.

Handa na rin aniya ang may 30 mga paaralan na gagamitin bilang mga billeting facilities ng mga student athletes mula sa 18 rehiyon ng bansa.

Tapos na aniya ang ginawang rehabilitasyon para sa mga nasabing mga paaralan sa tulong ng P30 milyong pondo na ayuda ng Department of Education.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tiniyak din ng pangunahing tagpamahagi ng kuryente sa lalawigan, ang Antique Electric Coopertive ang sapat na supply ng elektrisidad sa bawat lugar na gagamitin sa multi sports event. (Marivic Awitan)