GERONA, Tarlac – Limang babaeng taga-Metro Manila ang nasalisihan ng hinihinalang ‘Bukas Kotse’ gang at natangayan ng mga mamahaling gamit at alahas habang kumakain sa isang restaurant sa Barangay Salapungan sa Gerona, Tarlac, Sabado ng hapon.

Ang nakawan ay ini-report sa pulisya ni Jennifer Beltran, manager ng Isdaan Floating Restaurant sa Bgy. Salapungan.

Ayon kay Marie Amor Arlene Cabrera Zalamea, 31, dalaga, ng Quezon City, ipinarada niya sa parking area ng restaurant ang kanyang Ford Everest (TIQ-469) mula 1:30 ng hapon hanggang 4:99 ng hapon.

Iniwan ni Zalamea sa sasakyan ang ilan niyang gamit, gayundin ang sa mga kasamahan niyang sina Janica Letada, 29, dalaga, ng Sampaloc, Maynila; Cherryl Tuland, 28, dalaga, ng Sta. Mesa; Margarita Morelos, 24, dalaga, ng Quezon City; at Ruth Bacani, 30, ng Pasay City.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Natangay ng mga hindi nakilalang kawatan mula sa loob ng sasakyan ang isang Longchamp shoulder bag na nagkakahalaga ng P7,500, kuwintas na nasa P5,000; dalawang bracelet na nagkakahalaga ng P10,000; isang GoPro camera na P21,000; Powerbank, P1,500; dalawang Herschel bag, P8,500; Canon camera, P6,000, P1,500 cash; iba’t ibang credit card; at isang pasaporte. (Leandro Alborote)