LA PAZ, Tarlac – Tatlong katao ang duguang isinugod sa La Paz Medicare and Community Hospital makaraang magkasalpukan ang dalawang motorsiklo sa La Paz-Victoria Road, Barangay La Purisima sa La Paz, Tarlac, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni PO2 Jamal Garcia Laza ang mga biktimang si Wilson Yadao, 18, driver ng Lifan motorcycle; angkas niyang si Mac-Mac, kapwa ng Bgy. Kapanikian, La Paz; at si Marlon Asuncion, 38, driver ng Rusi motorcycle at residente ng Bgy. Laungcupang, La Paz.

Patungo sa bayan ng Victoria si Wilson nang makabanggaan ang motorsiklo ni Asuncion. (Leandro Alborote)

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko