CANDON CITY, Ilocos Sur – Tatlong katao ang nasawi habang isa naman ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa sasakyan sa Cagayan at La Union nitong Sabado de Gloria.

Sa Cagayan, sinabi ng pulisya na hindi na umabot nang buhay sa ospital ang motorcycle rider na si Hill Adrian Irorita, 21, at angkas niyang si Rowel Castillo, 25, kapwa taga-Pudtol, Apayao makaraang sumalpok ang motorsiklo sa Starex van na minamaneho ni Ernesto Duldulao sa Sanchez Mira, Cagayan.

Nasawi rin si Dan Lester Baladad, 28, taga-Barangay Tanqui, San Fernando City, La Union sa karambola sa Bgy. Quinavite sa bayan ng Bauang bandang 11:50 ng gabi nitong Sabado.

Nabatid na sumalpok ang motorsiklo ni Baladad sa SUV na minamaneho ni Edgardo Canlas, taga-Muntinlupa City, bago bumangga sa tricycle ng nasugatang si Elijah Danniel Sarmiento, 21, residente ng Bgy. Bacuit Norte, Bauang, La Union.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Freddie G. Lazaro)