Kasabay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pag-uwi ang 150 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kingdom of Saudi Arabia at pasalubong na $925 milyong foreign investment matapos ang isang linggong state visit sa tatlong bansa sa Middle East nitong Semana Santa.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isang press conference sa Doha, Qatar kahapon, ilang oras bago ang nakatakdang paglapag ng eroplano ng Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 (NAIA-T1), dakong 4:00 ngayong umaga.

Ayon kay Abella, ang 150 nagbabalik na OFW ay ang mga kumuha ng amnesty program ni Crown Prince Muhammad bin Nayef bin Abdulaziz Al Saud ng Kingdom of Saudi Arabia.

“He is expected to arrive in the Philippines with more than 150 OFWs from Saudi Arabia, the first batch of which of those being repatriated by the Philippine government due to the grant of amnesty to overstaying and undocumented foreign workers by the Saudi government,” saad ni Abella.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naunang kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang press conference sa Riyadh na 150 undocumented OFW ang uuwi kasama ni Duterte matapos ang pagbisita niya sa Doha, Qatar. Inasahang sasakay sila commercial flight at darating sa Manila ngayong umaga.

DUTERTENOMICS

Iuuwi rin ng Pangulo ang $925 milyong halaga ng investment mula sa Middle East.

Karagdagang $1 bilyong halaga ng sovereign investment fund mula sa Qatar ang paparating din bilang bahagi ng investment protection at promotion agreement sa mayamang emirate, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

“They are not only impressed by the President, they love the President. They love him because he’s a no nonsense guy.

They consider us like brothers,” sabi ni Lopez sa panayam ng media kaugnay sa muling lumalakas na kalakalan at pamumuhunan kasunod ng pagbisita ng Pangulo sa Qatar, Bahrain at Saudi Arabia.

“The President’s visit to the Middle East is really part of ‘Dutertenomics’ that aims to create more jobs, attract more investments to the country,” ani Lopez.

“These are part of the socioeconomic agenda that will in the end uplift the quality of life of Filipinos.”

(ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at GENALYN D. KABILING)