DOHA, Qatar — Kailangang kumilos agad ang Pilipinas sa pag-ookupa sa mga isla nito sa West Philippines Sea bago pa ito maaangkin ng ibang claimant, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado.

Ibinahagi ng Pangulo ang mga plano ng kanyang gobyerno na igiit ang pagmamay-ari ng Pilipinas sa mga teritoryo sa pinagtatalunang karagatan sa Philippine-Qatar business forum dito.

“With the movement of people there occupying the lands, I ordered my military to occupy the remaining 10 islands which are not inhabited, place our flag there, put some structures,” pahayag ni Duterte.

“I claim these islands as property of the Philippines. It’s because everybody is grabbing every land there in the South China Sea so if we do not act fast, we will end up with nothing,” dugtong niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nauna rito ay ipinag-utos ng Pangulo sa mga tropa ng pamahalaan na okupahin at patibayin ang mga isla sa Kalayaan Group of Islands upang lalong palakasin ang pag-aari ng bansa sa mga ito.

Matapos magpahayag ng pagkabahala ang China sa huling hakbang na ito, tiniyak ni Duterte na ilalagay na walang armas sa mga ookupahing kapuluan. “We are just there to claim the island for us because that is really ours,” aniya.

Samantala, nagbabala ang Pangulo sa ibang mga nasyon laban sa panghihimasok Benham Rise, na pinalitan niya ang pangalan at ginawang “Philippine Ridge.”

Kinuwestyon ni Duterte ang sinasabing pagkakatuklas sa Benham Rise ng isang American geologist, idiniin na “nobody discovers the sea.”

“If you start claiming there you are crazy so I renamed it the “Philippine Ridge”, and I announced to all including to America that this is ours. Do not come here,” dagdag niya. (Genalyn D. Kabiling)