Tuloy na ang pagdaraos ng Santa Rosa de Lima Parish Summer Invitational Cup ngayong darating n Miyerkules sa Sumilang Covered Court sa Pasig City.

Nagbuo ang pangunahing organizer at dating PBA Chairman na si Buddy Encarnado ng sampung competitive team na kinabibilangan ng mga kasalukuyan at dating mga kampeon ng iba’t ibang collegiate leagues upang lumahok sa torneo.

Kabilang na rito ang reigning National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) champion Saint Clare College of Caloocan na siyang magbubuks ng kompetisyon sa pagsalang nila kontra Technological Institute of the Philippines ganap na 1:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng Universities, Colleges and Schools Athletic Association (UCSAA) champion Manuel L. Quezon University at NAASCU runner-up Our Lady of Fatima University ganap na 3:00 ng hapon.

Magtutuos naman ang National Capital Region Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (NCRUCLAA) runner-up De Ocampo Memorial College at City University of Pasay ganap na 5:00 ng hapon, bago ang huling laro tampok ang Philippine Merchant Marine School at AMA University ganap na 7:00 ng gabi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Wala namang laro sa opening day ang Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) at Universities and Colleges Basketball League (UCBL) champion Centro Escolar University at ang Philippine Christian University.

Ang nabanggit na sampung varsity squads ay hinati sa dalawang grupo at lalaro sa isang single round robin katunggali ang kanilang mga kagrupo.

Ang apat na mangungunang koponan sa magkabilang grupo ay uusad sa knockout crossover quarterfinals kung saan ang mananalo ay uusad sa semifinals at ang magwawagi ay magtutuos sa kampeonato sa Abril 27.

Kaugnay nito, mayroon ding idaraos na PBA Legends Game pagkatapos ng championship game.