NEW YORK (AP) — Ipinarating ng National Basketball Players Association sa pamunuan ng NBA ang pagkadismaya sa naging pahayag ni Phil Jackson laban kay New York star player Carmelo Anthony.
Anila, kinausap nila si NBA Commissioner Adam Silver hingil sa naturang isyu.
Nitong Biyernes (Sabado sa Manila), ipinahayag ni Jackson na mas makabubuti sa career ni Anthony kung hihilingin nito na ma-trade siya ng New York Knicks. Iginiit din ng Knicks team president na hindi magpapanalo ang New York habang naglalaro sa koponan ang Olympic medalist.
Mahigpit na ipinagbabawal sa mga player na isapubliko ang isyu sa trade at sinabi ni NBPA Executive Director Michele Roberts na ganoon din ang magiging tugon ng mga opisyal.
"We expect management to adhere to the same standards," aniya.
"The door swings both ways when it comes to demonstrating loyalty and respect,” dagdag niya.
Si Anthony ang kasalikuyang NBPA vice president.