Kasalukuyang nasa Myanmar ang Philippine Amateur Sepak Takraw Association (PASTA) national team upang magsanay doon sa loob ng isang buwan bilang paghahanda sa darating na Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Malaysia sa Agosto..

Sa naging panayam sa kanya ng DZSR Sports Radio sinabi ni PASTA President Karen Tanchanco-Caballero na ang 18 atleta na bumubuo ng national sepak takraw team ay nasa Nay Pyi Taw’s Athletes Villagekung saan sila nagsasanay kasama ng mga miyembro ng Myanmar national team.

Ayon pa kay Caballero, ang mga atleta ay may kasamang anim na coach at isang technical official sa training camp na nasa ilalim ng Asian Sepak Takraw and Chinlone Federation Solidarity , Myanmar Sepak Takraw Association at the Sports Ministry of Myanmar.

Target ng Pilipinas na magwagi ng gold medal sa darating na 2017 SEA Games, na gaganapin sa Kuala Lumpur sa Agosto 19-30.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Noong isang taon, nagwagi ang Pilipinas sa men’s doubles ng 31st King’s Cup Sepak Takraw World Championships sa Thailand matapos talunin ang 2015 SEA Games gold medalist Myanmar.

Binubuo ang koponan nina Jason Huerte, Rheyjey Ortouste at Mark Gonzales.

Makasaysayan ang nasabing panalo para sa mga Pinoy bilang unang bansa na tumalo sa world champion Thailand sa King’s Cup.

Bukod sa men’s doubles gold, nagwagi rin ng Pilipinas ng silver sa men’s team event at bronze sa women’s hoop event ng torneo na sanctioned ng International Sepak Takraw Federation (ISTAF), ang world governing body ng sport.

Ayon pa kay Caballero, pagkatapos ng training camp, ang national team ay lalahok sa isang pre-SEAG tournament bago umuwi ng Pilipinas at magpatuloy ng kanilang pagsasanay sa Dipolog, Negros Oriental.

Nakatakda na silang lumahok sa isang torneo sa France sa darating na Hulyo. (PNA)