SA kabila ng mga travel advisory na nagbibigay-babala sa mga dayuhang turista laban sa pagbisita sa Visayas at Mindanao kasunod ng mga banta ng terorismo, inihayag ng Department of Tourism na magpapatuloy ang turismo at tiniyak na nakaantabay ang mga awtoridad sa sitwasyon.

“The Department of Tourism expresses complete confidence that the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police are on top of the national security situation in Central Visayas,” saad sa pahayag ng Department of Tourism.

Ito ay matapos maglabas ang United States, Australia, Canada, at United Kingdom ng mga babala sa kani-kanilang mamamayan laban sa paglalakbay sa Central Visayas, partikular sa Bohol at Cebu, dahil sa mga banta ng pagdukot mula sa mga rebeldeng grupo.

Kabilang ang Bohol at Cebu, parehong tanyag na ecotourism at historical tourism sites, sa mga pangunahing tourist destination sa bansa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nitong Martes, nasa siyam na katao ang namatay sa engkuwentro sa pagitan ng militar at ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Inabanga, Bohol.

Nangyari ang bakbakan sa Bohol laban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf ilang oras matapos maglabas ng travel advisory ang US Embassy sa Maynila sa mga Amerikanong nasa bansa.

Inilahad din ng Department of Tourism na nakikipagtulungan ang kagawaran sa mga nagkakaloob ng seguridad at sa mga tagapagpatupad ng batas na may kakayahang tiyakin ang kaligtasan ng mga manlalakbay.

“Proper authorities have assured that both international and domestic travelers may continue with their travel plans, even as we remind all stakeholders of usual safety precautions that must be routinely observed at all destinations,” anang Department of Tourism.

Pinasalamatan din ng kagawaran ang militar at ang pulisya sa pagsisikap ng mga ito na matiyak ang kaligtasan ng mga lokal at dayuhang turista sa Pilipinas. (PNA)