ROME (AFP) — Mariing kinondena ni Pope Francis ang paghihirap ng mga migrante, biktima ng diskriminasyon at minaltratong Kristiyano sa pagsasama-sama ng 20,000 mananampalataya sa Colosseum ng Rome upang pakinggan ang kanyang panalangin nitong Biyernes Santo.

“Christ, our only saviour, we turn towards you this year with eyes lowered in shame,” pahayag ng Papa sa mga nakikinig.

“Shame for all the images of devastation, destruction and shipwrecks which have become ordinary in our lives,” pahayag ni Pope Francis.

Nabanggit din ng Papa ang tungkol sa pang-aabuso sa mga bata na gumulantang sa Katolisismo sa nakalipas na mga taon, sinabing “shame for all the times when bishops, priests and the religious have scandalised and hurt” ang Simbahan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Shame for the innocent blood, spilt daily, of women, children, migrants, people persecuted for the colour of their skin or for their social or ethnic group -- or for their faith in you,” aniya.

Naging madugo ang simula ng Mahal na Araw na gumugunita sa huling mga araw ni Jesus nitong nakaraang Linggo na sinabayan ng pag-atake ng Islamic State group sa dalawang simbahan sa Egypt na ikinamatay ng 45 katao.

Ginunita ng Egyptian Copts ang Biyernes Santo sa pamamagitan ng pagdarasal at pag-aayuno, habang nagulantang ang komunidad sa pambobomba. Sa kabila ng mga banta sa seguridad, plano ni Pope Francis na ituloy ang pagbisita sa bansa ngayong buwan.

Sa Rome, mahigpit ang seguridad para sa night-time ceremony sa pamamagitan ng pagsasara ng kalsada at pagkakabit ng metal detectors sa pagsasama-sama ng mananampalataya upang mapakinggan ang leader ng 1.3 bilyong Katoliko sa buong mundo. Aabot sa 3,000 officer ang ipinakalat upang protektahan ang Colosseum.

Ngyon taon isang mag-asawang Egyptian at tatlo nilang anak na babae ang nagbuhat ng malaking krus bilang parte ng Via Crucis (Way of the Cross) procession.

Nakiisa rin ang mananampalataya mula sa Portugal at Colombia—dalawang bansa na nakatakdang puntahan ng Papa sa Mayo at Setyembre ayon sa pagkakasunod—at nagsalit-salitan sa pagbubuhat ng krus kasama ang dalawang Kristiyanong Chinese.

Ikalalawa ang Biyernes Santo sa apat na mahahalagang araw ng kalendaryo ng Simbahang Katoliko na sinisimulan sa Huwebes Santo at nagtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay.