Lotlot at Janine copy

SA special screening cum presscon ng 1st Sem na pinagbibidahan nina Lotlot de Leon at Darwin Yu, hindi naiwasang tanungin ang una tungkol kay Rayver Cruz na nalili-link ngayon sa anak niyang si Janine Gutierrez.

Nagsimulang ma-link sina Janine at Rayver nang magkita sa opening ng South Grill Restaurant na pag-aari ni Lotlot kasama ang ilang kaibigan at may nakapansin sa magandang bonding moment at chemistry ng dalawa.

Hayun, pabalik-balik ang Kapamilya actor sa nasabing restaurant hoping siguro na makita uli ang Kapuso actress. Nag-post din si Rayver sa Instagram ng litrato nila ni Janine.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Tinutukso na tuloy ang dalawa ng ilang kaibigan nila.

Ang tanong kay Lotlot ay kung boto ba siya kay Rayver para sa kanyang dalaga.

“Basta kung saan siya masaya. Huwag lang na nakikita ko ‘yung anak ko na nasasaktan.

“Kilala ko naman si Rayver dahil nakasama ko siya sa Spirits (aksiyon-serye ng ABS nu’ng 2004), sila nina Maja (Salvador), John Wayne (Sace). Kahit na matagal na hindi kami nagkikita, ‘pag nagkikita kami ulit parang kahapon lang.

“So, he’s a good person. He’s a good boy. Whatever happens to him, ngayon magkaibigan sila ni Janine, I don’t know what their plans are, kung ano ang plano niya so dapat siya ang tanungin natin,” sagot ng ina ng dalaga.

Hindi itinanggi ni Lotlot na karamay siya noong broken-hearted ang anak sa ex-boyfriend nitong si Elmo Magalona.

“Siyempre, nasasaktan ako na nakikita ko ang anak ko na malungkot, sabi ko, life goes on, kailangan mong pagdaanan ‘yan, pero bukas o sa makalawa, magiging okay na, and I think, naka-move on na siya,” kuwento ng aktres.

Hindi naman daw nagalit si Balot kay Elmo dahil mabait na bata at magalang. Higit sa lahat, hindi siya nakikialam sa karelasyon ng anak.

Samantala, isang linggo lang mananatili si Lotlot sa Houston, Texas. Dadalo sila ng The 50th Annual WorldFest-Houston International Film Festival dahil kasali ang 1st Sem na idinirek nina Dexter Paglinawan Hemedez at Allan Michael Ibañez.

Bukod dito, kasali rin ang 1st Sem sa Fifth Seoul Guro International Kids Film Festival sa South Korea noong Marso 23, 2017. (Reggee Bonoan)