JULIE ANNE copy copy

MAY panata sina Julie Anne San Jose at ang kanyang pamilya na tuwing Holy Week, lalo na kung Good Friday, pumupunta sila sa Subic para tulungan ang isang parish.

“Every year, for five years na ang panata ng pamilya namin. May family friend kami na priest na doon naka-assign at every Good Friday, sa Boardwalk, may parang palabas at isa ako sa kumakanta,” kuwento ni Julie Anne.

Puwedeng i-extend ni Julie Anne ang bakasyon nila sa Subic dahil wala pa siyang bagong assignment. Tapos na ang airing ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa at naka-tape na ang Sunday Pinasaya. Hindi lang ang mga mata niya ang nakapahinga sa walang tigil na pag-iyak sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa, maipapahinga rin niya ang katawan ng ilang araw.

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

Samantala, natupad ang wish ni Benjamin Alves na bago pumunta sa Subic si Julie Anne, makita muna niya si Noah, ang nephew ng aktor na kasama ng parents na nagbabakasyon sa Minalin, Pampanga. Sa Guam naka-base and kuya ni Benjamin with his family.

Ipinost ni Benjamin ang picture nina Julie Anne at Noah sa social media na karga ng girlfriend ang pamangkin at kuwela ang caption nitong, “bagay sila.” Naipakilala na ng dalawa ang isa’t isa sa kani-kanilang pamilya at aprub ang both families sa kanilang relasyon. (NITZ MIRALLES)