TALAVERA, Nueva Ecija – Isang naaagnas at nakagapos na bangkay ang natagpuan sa kalagitnaan ng bukid sa Barangay Bacal 2 sa Talavera, Nueva Ecija, nitong Miyerkules Santo.

Ayon kay SPO1 Emesio Nagano, ng Talavera Police, isang residente ang nakakilala sa biktima na si Ranidel Mendoza y Villa, 49, may asawa, negosyante, ng Bgy. Bacal 3.

Pinaniniwalaang biktima ng summary execution, ang biktima ay nababalutan ng packaging tape, nakagapos ang mga paa’t kamay, at may nakasabit na karton na nasusulatan ng: “Nakalbo sa pagtutulak, ayaw lumubay, ‘wag tularan, pinapatay, happee holiweek.”

Naniniwala ang pulisya na itinapon lang sa bukid ang bangkay ng biktima at sa ibang lugar ito pinatay. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito