Dahil sa pagdalo ng karamihan sa mga miyembro ng National Team pool sa isinasagawang lingguhang ensayo ng Gilas Pilipinas, nahihirapan si national coach Chot Reyes at ang kanyang coaching staff na bumuo ng kanilang final line-up para sa darating na 2017 SEABA Championship.

“Almost all of the player are showing they are worthy of being included in the line-up,” ani Reyes.

“I say this very honestly and sincerely speaking, we don’t have a final 12 yet up to now,” pag-amin nito.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagtakda na ng deadline ang Southeast Asian Basketball Association, para sa pagsusumite ng final line-up sa darating na Abril 28.

Ang nasabing petsa ay sakto namang kalagitnaan ng 2017 PBA All-Star Week kung saan sasalang ang Gilas sa Lucena City kontra sa PBA Luzon All-Stars.

Nauna nang nagpahayag si Reyes na gagamitin nila ang performance na ipapakita ng Gilas sa nakatakdang tatlong All-Star games sa pagpili ng kanilang final roster para sa SEABA.

“The deadline for SEABA is April 28, so that gives us after the games of the All-star, 26 or 28 to make our decision on the Final 12,” ani Reyes.

“Our minds are very open. We’re evaluating every practice, we’ll evaluate how they play in the all-star and the intangibles — those who are absent, those who are coming and participating,” dagdag niya.