Nagparamdam si 7-Eleven Roadbike Philippines team captain Mark John Lexer Galedo habang nanatili namang nasa top 10 ng general individual classification ang kanilang foreign riders na sina Jesse Ewart at Edgar Nieto matapos ang ikalawang araw ng 2.2 Tour de Lombok sa Indonesia.

Ipinakita ni Galedo ang kanyang matikas na porma sa unang bahagi ng 112 kilometrong karera nang sumama siya sa breakaway at mapanalunan ang lahat ng tatlong Intermediate Sections.

Ngunit sa huli, nilamon din si Galedo ng peloton papasok sa huling tatlong kilometro ng summit finish at nakatawid lamang na pang-49.

Nagwagi sa Stage 21 ang rider ng Ukyo na si Earl James Nathan habang si Nieto at nagtapos naman ang iba pa nilang kakampi na sina Marcelo Hernandez Felipe na pang-16, Rustom Lim –pang-20, at Ewart- pang-33.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa general classification, sina Nathan at Prades ang nasa 1-2 spot pumapang-siyam si Ewart at pang-siyam naman si Nieto.

Nasa ika-19 na puwesto naman si Felipe, pang-28 si Lim at pang-47 si Galedo.

Tumapos namang pang-apat ang 7-11 sa 2nd stage at nanatiling pang-apat din sa Team General Classification, 16 na minutong naiiwan ng Kinan, Ukyo at Kuwait na umuokupa ng 1-2-3 lots.

Nauna rito, tumapos na pangwalo si Ewart sa 1st stage.

“ Grabe ang hirap....the teams of Kinan, Ukyo and Kuwait are really super strong with Davide Revillin, Stephan Shumacher and all the Spanish riders and Columbian here are like motorbike in the climb where in some steep portion dami na naglakad. Si Lim na-flat lang yung bata ganda sana ng puwesto niya,” pahayag ni 7-Eleven team director Ric Rodriguez.