COLOMBO (AFP) — Nasa 11 na ang nasawi sa pagguho ng bundok ng basura ng Sri Lanka, ayon sa mga opisyal, habang aabot naman sa 145 bahay ang nawasak.

Ayon kay Colombo National hospital spokeswoman Pushpa Soysa, dalawang lalaki at dalawang babae ang kabilang sa 11 nakumpirmang patay matapos ang insidente noong Biyernes. Sila ay nasa edad 11 at 15.

Sinabi ni Soysa na nasa kabuuang 21 katao ang isinugod sa ospital mula sa Kolonnawa.

“We remain on standby, some people who were pulled out of wrecked homes were brought in overnight,” pahayag niya sa AFP. “Five of them have succumbed to their injuries.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture