Magkakasunod na inaresto ang 37 katao na naaktuhang nagsasabong sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa magkakahiwalay na lugar sa Pasig City kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), unang inaresto ng mga tauhan ng Station Intel, sa pangunguna ni Police Insp. Arnel Cruz, ang 25 katao nang mamataang nagsasabong sa Leticia Ville, Caliwag, sa Barangay Pinagbuhatan, dakong 9:20 ng umaga. Nakumpiska sa kanila ang dalawang manok na panabong at P3,280 bet money.

Samantala, dakong 11:00 ng umaga dinampot ng mga tauhan ni Cruz ang 10 iba pa habang ilegal na nagsasabong sa Tuazon Street, sa Bgy. Kalawaan.

Nakumpiska sa kanila ang dalawang panabong na manok, tatlong tari, at P4,000 na pusta.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Pagsapit ng 5:48 ng hapon ay naaresto naman sina George Bacani at Aldrin Velasco dahil din sa pagsasabong sa Masagana Compound, sa Bgy. San Miguel.

Nakumpiska sa kanila ang dalawang manok na panabong at P700 bet money.

Pawang nahaharap ang mga inaresto sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Illegal Gambling.

(Mary Ann Santiago)