PANIQUI, Tarlac - Dalawang bantay sa pasyente ng Rayos-Valentin Hospital ang pinasok sa silid at ninakawan ng hindi nakilalang suspek sa Paniqui, Tarlac, nitong Biyernes ng umaga.
Sa imbestigasyon ni PO3 Arnel Agliam, magdamag lang na nagbantay sa kanyang lolang may sakit si Maricar Fernando, 22, may asawa, ng Barangay District 7, Cuyapo, Nueva Ecija, ngunit nanakawan siya ng isang Samsung cell phone na nagkakahalaga ng P5,000, at P350 cash.
Isa ring Samsung phone na nagkakahalaga ng P9,000 at P8,000 cash ang natangay kay Jesus Marquez, 41, may asawa, data entry assistant, at taga-Bgy. Sta. Ines, Paniqui, na nagbantay naman sa may sakit na anak. (Leandro Alborote)