Handog ng ABS-CBN ngayong Semana Santa ang mga programang magpapatibay sa paniniwala at pagsasamahan ng pamilyang Pilipino sa pangunguna ng Emmy-awarded series na The Bible at tatlong nakakaantig na kuwentong magbibigay-aral tungkol sa pagsasakripisyo, pagmamahal, at katatagan sa Maalaala Mo Kaya.

ZANJOE
ZANJOE
Tinatalakay sa The Bible, na nagsimula nitong Huwebes Santo at mapapanood hanggang Sabado de Gloria ng 7:30 ng gabi, kung paano ginawa ng Diyos ang mundo at ang ilan sa mga importanteng bahagi sa buhay ni Jesus Christ.

Napanood din uli nitong Huwebes Santo ang episode na Tutong kung saang tumayo bilang magulang sa kanyang pitong nakababatang kapatid ang batang si Jose (Bugoy Cariño). Kahapon, napanood naman ang kuwento ni Courageous Catie (Miel Espinoza), ang batang naging viral nang gumawa ng Facebook page ang kanyang ina tungkol sa kanyang hindi pangkaraniwang karamdaman. Samantala, istorya naman tungkol sa amang mag-isang binuhay ang kanyang dalawang anak sa loob ng isang kuweba na pinagbidahan ni Zanjoe Marudo ang tampok ngayong Sabado de Gloria.

Kapupulutan din ng aral ng mga bata ang kuwento ng kilalang animated Bible series na Superbook at maaari ring panoorin ng buong pamilya ang mga pelikula mula sa Star Cinema na She’s Dating the Gangster at Everything About Her pati na rin ang iba pang banyagang pelikula.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Tutukan ang mga palabas na ito sa espesyal na Holy Week programming ng ABS-CBN.