BIEL, Switzerland (AP) — Naisalba ni top-seeded Barbora Strykova ang matikas na pakikihamok ni Carina Witthoeft ng Germany tungo sa 6-2, 7-6 (6) panalo sa second round ng Biel Ladies Open nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nabitiwan ng 18th-ranked Czech ang 5-3 bentahe sa second set at naharap sa dalawang set point laban sa 69th-ranked na si Witthoeft bago naipuwersa ang tiebreaker.

Umusad din ang 17-anyos na kababayan ni Strykova na si Marketa Vondrousova sa kanyang debut match sa WTA Tour. Tinalo ni Vondrousova, isang left-hander at ranked No. 233, si 60th-ranked Annika Beck ng Germany 6-1, 6-3.

Nasibak naman si second-seeded Carla Suarez Navarro ng Spain nang pataubin ni Camila Giorgi ng Italy 6-2, 6-7 (5), 6-2.

Makakaharap ni Strykova sa quarterfinal si seventh-seeded Julia Goerges, nalalabing seeded player sa torneo.

Ateneo, nanawagang itigil na pag-atake sa kanilang student-athletes, managers

Mahalaga ang panalo sa bawat laro dahil ang mangungunang koponan matapos ang single round robin ay siyang magkakampeon at magkakamit ng slot para sa 2017 Fiba Asia Under-16 Championship.