CEBU CITY – Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga social media user na magbigay-inspirasyon sa iba sa pagpo-post ng mabubuting balita at ng mga salita ng Diyos ngayong Semana Santa.

“I hope that when we say something on social media, God is with us. When we use social media to bring hope and inspiration and joy, I think we are using social media to its intended good purpose,” sinabi ni Palma sa lingguhang 888 News Forum kamakailan.

Nang tanungin kung imumungkahi ba niya sa publiko na mangilin sa paggamit ng social media ngayong Mahal na Araw, sinabi Palma na malayang pumili ang lahat, partikular sa paraan ng komunikasyon sa kapwa.

Ngunit para sa Kuwaresma, sinabi ni Palma na kung hindi nagdudulot ng pag-asa at inspirasyon ang mga mensaheng ipino-post sa social media, mas mabuting iwasan munang gumamit nito ngayong Semana Santa.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Hinimok din ng paring Cebuano ang publiko na iwasang makibahagi sa masasayang aktibidad hanggang ngayong Sabado, at sa halip ay ilaan ang mga araw na ito sa mga aktibidad sa simbahan at sa pagninilay-nilay. (Mars W. Mosqueda, Jr.)