Sa pagpapatuloy ng operasyon laban sa ilegal na droga, nalambat ang tatlong katao, kabilang ang isang municipal employee, sa Lingayen, Pangasinan.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Ronald Oliver Lee, provincial director, isinagawa ang operasyon sa bayan ng Umingan, Dagupan City at Villasis.
Unang inaresto bitbit ang search warrant para sa paglabag sa Article II, Section 11 at 12 ng RA 9165 (illegal possession of drugs and paraphernalia) ay si Manolo Nabatilan, 52, municipal employee, at No. 2 sa target list ng Umingan.
Ayon kay Police Chief Insp. Jose Abaya II, hepe ng Umingan police, nakuha mula kay Nabatilan ang isang maliit na kahon na naglalaman ng dalawang maliit na pakete ng hinihinalang shabu.
Sa Dagupan City, dakong 6:00 ng gabi, inaresto si Dexter Domingo, ng Abalosky, Lucao District Dagupan, dahil sa paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms at paglabag sa RA 9165 (Newly emerged).
Nakuha mula sa kanya ang isang caliber .45 pistol na kargado ng isang bala; isang caliber .45 na kargado ng pitong bala; at isang pakete ng hinihinalang shabu.
Bandang 9:00 ng umaga kahapon sa Poblacion Zone 5, inaresto si Villasis Clifford Natura, 34, ng Barangay Bacag.
Nakuha sa kanya ang marijuana at marked money. (Liezle Basa Iñigo)