NGAYONG Sabado na ang opening ng Can’t Help Falling In Love sa over 300 theaters nationwide. Para ma-accommodate ang maraming manonood, ang SM cinemas, magbubukas ng 10 AM, at ang cinemas ng Vista Mall, 9 AM naman magsisimula ang screening.

Maagang magmu-malling ang KathNiel fans, kaya masaya ito.

Nilinaw ni Direk Mae Cruz-Alviar na naka-set na ngayong Black Saturday ang showing ng pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at hindi totoo ang tsika na binago ang playdate nito.

Tinanong pala sina Daniel at Kathyrn kung bakit sa guesting nila sa Magandang Buhay, “makes me smile” ang sagot ng huli sa tanong na “Why can’t she help falling in love with Daniel?”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Siya ang nagpapa-okay sa akin kung bad trip ako. Siya nagpapakalma sa akin at kung and’yan siya, okay na ako,” paliwanag ni Kathryn.

“She makes me happy. Siya ang tao na kung bad trip siya, affected ako. Bad trip ako kung may problema siya. Kung happy si Kathryn, relax na ako at kampante na ako. May ‘binibigay siyang kasiyahan na hindi naibibigay ng iba sa akin,” paliwanag ni Daniel.

Kahit sa pananalita ng binata, mapi-feel mong mahal na mahal talaga niya si Kathryn.

Anyway, dagdag ni Direk Mae, magugustuhan ng KathNiel fans ang Can’t Help Falling In Love dahil mas matured na ang roles ng dalawa.

“They are acting their age. Hindi na pa-Justin Bieber ang acting ni Daniel dito.. Rom-com ang movie na hindi pambagets.”

Ang sabi ni Kathryn, naging conscious sila ni Daniel at napansin na medyo tumanda na sila ng konti.

“May nabago sa acting namin at mas open na kami pati sa comedy. Parang there’s no holding back anymore.”

Ang pangako ng KathNiel fans, lalampasan nila ang P322M na gross ng Barcelona nina Daniel at Kathryn at dahil marami sila at tinototoo ang pangako, asahan natin ang bigger gross ng Can’t Help Falling In Love. (NITZ MIRALLES)