ANG British actor na si Jude Law ang napili para gumanap bilang batang katauhan ng venerable headmaster ng Hogwarts na si Albus Dumbledore, pangunahing karakter sa ikalawang pelikula ng Fantastic Beasts movie spinoff ni J.K. Rowling, pahayag ng Warner Bros. nitong Miyerkules.

Jude Law
Jude Law
Si Law, 44, kilala sa kanyang papel bilang si Dr. John Watson sa Sherlock Holmes action movies, ay gaganap bilang si Dumbledore ilang dekada bago ito maging beloved headmaster ng Hogwarts, ang eskuwelahan nina Harry Potter at ng kanyang mga kaibigan upang maging wizards at matutong lumaban sa dark forces.

Ayon kay Rowling, lumikha kay Dumbledore sa best-selling Harry Potter books, sa palagay niya ay bakla ito na nagmahal noong kanyang kabataan, kay Gellert Grindelwald, na kalaunan ay naging masama at marahas.

Sinabi niya sa reporters sa New York nitong nakaraang taon na sa ikalawang Fantastic Beasts movie ay ipakikita si Dumbledore “as a younger man and quite a troubled man — he wasn’t always the sage. ... We’ll see him at that formative period of his life.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Si Johnny Depp ang gaganap na Grindelwald sa ikalawang pelikula, na muling susulatin ni Rowling ang screenplay, pahayag ng Warner Bros. Magsisimula ang shooting ngayong summer.

Ang five-movie spinoff ay naganap 70 taon bago mag-aral si Harry Potter sa Hogwarts at tampok ang ilang bago at ilang pamilyar na mga karakter sa Potter series. Umiikot ang istorya kay Newt Scamander, isang “magizoologist” na may suitcase na puno ng strange creatures.

Ilang British actors ang pinagpilian para sa papel ng batang Dumbledore, kabilang na sina Christian Bale, Benedict Cumberbatch at Jared Harris, ayon sa Hollywood publication na Variety.

“We are thrilled to have Jude Law joining the Fantastic Beasts cast, playing a character so universally adored,” sabi ni Toby Emmerich, president at chief content officer ng Warner Bros. Pictures.

Ang unang Fantastic Beasts film, inilabas noong Nobyembre, ay kumita ng $813 million sa global box office. Wala pang titulo ang pangalawang pelikula nito na nakatakdang ilabas sa Nobyembre 2018.

Ang walong Harry Potter movies ay kumita ng $7 billion sa global box office. - Reuters