Masusing nagmo-monitor ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa low pressure area (LPA) sa Mindanao na inaasahang ganap na magiging bagyo sa kahapon ng hapon, at tatawid sa Visayas ngayong weekend.

Sakaling ganap a maging bagyo, tatawagin itong ‘Crising’, ayon sa PAGASA.

Batay sa monitoring bandang 10:00 ng umaga kahapon, natukoy ng PAGASA ang LPA sa 615 kilometro sa silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte.

Inaasahang magdudulot ng malakas na ulan, pagkulog at pagkidlat ang sama ng panahon sa Eastern Visayas at CARAGA sa buong maghapon ngayong Sabado. - Chito A. Chavez

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists