MAGWAGI ng gold medal ang pangunahing misyon ng Philippine national ice hockey team na nakatakdang sumabak sa darating na Kuala Lumpur Southeast Asian Games sa Agosto.

Ito ang ipihayag ni Federation of Ice Hockey League Philippines president Christopher Sy, manugang ng pangulo ng kanilang pangunahing tagapagtaguyod na Flying V na si Chito Villavicencio.

Ang mataas na performance ay inaasahan din sa national youth under-16 team na nakatakdang magtanggol ng korona ng bansa sa darating na 2017 SEABA Under-16 Championships sa susunod na buwan.

Mismong si Batang Gilas coach Mike Oliver ang umamin na nararamdaman nila ang bigat ng inaasahan mula sa kanyang koponan dahil dito gaganapin sa bansa ang torneo. .

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We can feel the pressure. We want the result to be favorable for us and for our boys to perform at their best for their families and our supporters,” pag -amin ni Oliver.

Gayunman, nandoon ang paniniwala nito na kayang maipakita ng kanyang mga manlalaro kung ano ang inaasahan sa kanila.

Ibinalita nitong maganda ang tinatakbo ng kanilang paghahanda partikular ang kanilang ensayo na nagsimula noong nakaraang Enero. - Marivic Awitan