CABANATUAN CITY - Isang sinasabing matinik na carnapper ang bumagsak sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Cabanatuan City Police at Provincial Intelligence Branch ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa ikinasang manhunt operation sa Barangay Quezon District sa lungsod, nitong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, nakorner si Arwin Jay-AR Nino Ucol y Mangahas, 32, may asawa, sa bahay nito sa Bgy. D. S. Garcia ng lungsod.

Ikawalong most wanted sa lalawigan, naaresto si Ucol dakong 10:30 ng umaga sa bisa ng arrest warrant.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito