KUALA LUMPUR (AFP) – Suot ang mga bulletproof vest iniharap sa isang korte sa Malaysia kahapon ang dalawang babaeng akusado sa pagpatay sa half-brother ni North Korean leader Kim Jong-Un bago ang murder trial na maaaring mauwi sa pagbitay sa kanila.

Dinala ang Indonesian na si Siti Aisyah, 25, at si Doan Thi Huong, 28, mula Vietnam, sa Sepang magistrate court malapit sa paliparan kung saan nilason si Kim Jong-Nam noong Pebrero 13.

Inaasahang hihilingin ng prosecutor na ilipat ang kaso sa mas mataas na korte, kung saan lilitisin ang mga akusado sa murder. Kapag napatunayang nagkasala, mahaharap sila sa kamatayan sa ilalim ng batas ng Malaysia.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'