NAKATUON ang atensiyon sa sumisikat na si Kai Sotto na sasabak sa unang pagkakataon bilang miyembro ng Batang Gilas sa SEABA U-16 Championship sa Mayo 14-18 sa Smart-Araneta Coliseum.

Masusubok ang kakayahan at masusukat ang tunay na abilidad ng 15-anyos na anak ni dating PBA center Ervin Sotto sa limang araw na torneo na tatampukas ng matitikas na batang player sa rehiyon. Impresibo ang naging kampanya ni Sotto sa kampo ng Ateneo Blue Eaglets sa nakalipas na UAAP.

Sa taas na 6-foot-11, nadomina niya ang liga sapat para makopo ang Rookie of the Year honor, ngunit nabigo ang Ateneo na makausad sa Finals nang gapiin ng UAAP champion Far Eastern U sa Final Four duel.

Pangangasiwaan ang Batang Gilas ng beteranong si coach Mike Oliver, magtatangka sa ikaapat na sunod na titulo at muling maihatid ang bansa sa FIBA Asia U-16 Championship.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Si Oliver ang timon sa matagumpay na kampanya ng koponan sa SEABA title may dalawang taon na ang nakalilipas sa Cagayan de Oro City.

Sisimulan ng Pinoy ang laban kontra Singapore sa Mayo 14, kasunod ang Indonesia (May 15) at Thailand (May 17) bago tapusin ang kampanya laban sa mahigpit na karibal na Malaysia.