KALIBO, Aklan – Kalaboso ang isang lalaki matapos itong mamaril sa lamay na ikinasugat ng dalawang tao sa Madalag, Aklan.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Renante Viray, habang nasugatan naman sina Lebolito Terrano at Aguilin Nadate, 22 anyos.

Base sa imbestigasyon ng Madalag Police, naglalaro ng baraha si Terrano sa isang lamay sa Barangay Dit-ana sa Madalag nang ginustong sumali ni Viray.

Gayunman, sinabihan ni Terrano si Viray na bawal makipaglaro sa kanila ang mga guwapo, na ikinapikon ng suspek kaya umuwi ito at pagbalik ay pinagbabaril ang mga biktima. (Jun N. Aguirre)
Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental