GABBI AT RURU copy

Alden Richards at Maine Mendoza – So far, ngayon lang nagkaroon ng kahit konting panahon para sa isa’t isa ang phenomenal love team dahil sa kanilang “Kalyeserye sa US”. Umalis sila ng Pilipinas noong Abril 8 at tatagal pa sila sa Amerika hanggang sa Abril 16. Based sa pictures na naka-post sa social media, nasa last leg na sila ng kanilang concert sa New York City. Nagkaroon na ng time para mag-bonding sina Alden at Maine, kasama ang manager nilang si Rams David, Nanay Mary ni Meng, handler ni Meng na si Mike Uycoco at PA ni Alden na si Mama Tenten

Hindi maiiwasan na dumugin sila ng kanilang fans, pero naipasyal pa rin ni Alden si Maine sa mga lugar sa New York, tulad ng Serendipity Restaurant na pinagsyutingan ng sikat na pelikula of the same title. Sana ay nagkaroon din ng time si Alden na madala si Meng sa Empire State Building tulad ng sinabi ni Sen. Tito Sotto, dahil request daw niyang pumunta roon ang dalawa.

Ai Ai delas Alas – “After Holy Week na kami pupuntang buong family sa Punta Fuego, ayaw kong sumabay sa maraming tao.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

Doon namin isi-celebrate ang birthday ng bunso ko, si Seth Andrei.”

Barbie Forteza – “Dito lang po, nahuli kasi kaming magpa-book sa Laiya, sa Batangas, puno na po ang reservation.

Naging busy po kasi kami sa taping ng Meant To Be at nakalimutan naming magpa-book.”

Dire Louie Ignacio – “Dito lang ako sa Pagsanjan, Laguna, matagal-tagal din akong hindi nakakauwi dahil nagkasunud-sunod ang pag-attend ko ng mga international film festival. Pero sa April 30, aalis ako para mag-attend ng film festival sa Houston, Texas, muling kasali sa competition ang Area, ang movie ni Ai Ai delas Alas.”

Ruru Madrid at Gabbi Garcia – “Dito lang po kami, kasi may trabaho pa kami pareho sa Encantadia.”

Boobay – “Five days kami sa Hong Kong ni Kent (his boyfriend) at kasama namin ang sister ko, first time niyang pupunta ng Hong Kong. After Holy Week kasi mag-start na kami ng taping ni Ate Uge (Eugene Domingo) ng Celebrity Bluff na daily nang mapapanood, kaya madugo ang taping namin.”

Direk Mark Reyes – “First time makakapunta ni Mama sa Japan. Tamang-tama na libre kami ngayon sa taping ng Encantadia. Sayang nga lang na hindi na namin aabutan ang sakura (cherry blossoms).

Ken Chan – “Pupunta po kami ng buong family ko sa Hong Kong, para dalawin ang family at relatives ni Papa doon.”

Martin del Rosario – “Tamang-tamang tapos na ang taping namin ng Pinulot Ko Lang Sa Lupa kaya pupunta kami ng cousins and friends ko sa Bali, Indonesia.”

Thea Tolentino – “Sa Korea po kami pupunta, ‘nilibre ng lolo ko kaming buong family, five days vacation lang kami at makakabili ako ng makeup doon, mura daw po kasi doon. Need ko ring bumalik agad dahil sa taping namin ng Destined To Be Yours.”

Mikoy Morales – “Sa Bolinao, Pangasinan kami ng mga friends ko, sina Thea (his girlfriend) kasi ay nasa Korea with her family.”

Wally Bayola – “After ng concert namin sa New York, babalik na rin ako ng Pilipinas, hindi na ako dadaan sa daddy ko roon.”

Jose Manalo – “Uuwi na rin ako agad sa Pilipinas, may bond ako, remember?” (Pagbalik niya ay isasauli rin ni Jose ang bond sa producer ng concert.) (NORA CALDERON)