Naging madugo ang isa sanang masayang inuman makaraang barilin sa leeg ng isang ‘di pa nakikilalang suspek ang isang lalaking miyembro ng gang sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Argiebel Binibal, 21, binata, miyembro ng “Sigue-sige Commando” gang, at residente ng Block 15, Baseco Compound, Port Area, Maynila dahil sa tama ng bala sa leeg.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek, hinihinalang mortal na kaaway ng biktima, na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Emerey Abating, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 5, dakong 11:30 ng gabi nangyari ang pananaksak sa Baseco Playground, sa Port Area.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bago ang insidente, masayang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang mula sa likuran niya ay binaril siya ng suspek, saka mabilis na tumakas.

Inaalam na rin ang motibo sa pamamaril. (Mary Ann Santiago)