Sino nga ba’ng maniniwala na may pag-asa pang mabuo ang isang nagkawatak-watak na pamilya matapos ang mahigit isang dekada?

Hindi naging madali para kay Kaz Terada, 22, half-Japanese at half-Pinoy, na tanggapin ang katotohanang tuluyan nang naghiwalay ang kanyang ama at ina.

Labing-isang taon na ang nakalipas, nakatira si Kaz sa Japan kasama ang kanyang buong pamilya. “Isa ako sa mga kabataang naka-witness kung paano nasira ng pera at wrong relationship ang samahan ng kanilang mga magulang,” kuwento ni Kaz.

Dahil dito, kinailangan ni Kaz na mamili kung kanino sasama sa kanyang ama o ina. Pinili ng kanyang mga kapatid na sumama sa kanilang ina kaya napilitan na rin siyang sumama pabalik sa Pilipinas at iwan ang kanilang ama sa Japan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Simula nito, naging mahirap para kay Kaz na mag-adjust sa Pilipinas. “I had a hard time adjusting especially to my studies. I have to learn Filipino and English.”

Nahirapan ang kanyang pamilya na magsimula uli sa Pilipinas, hanggang sa umabot sa puntong nagkabaon-baon sila sa utang.

“That was the time I was regretting, ‘Bakit ba ako napunta dito sa Pilipinas? Hindi sana ito nangyari kung hindi sila naghiwalay’.”

Ngunit nang magkolehiyo siya sa Far Eastern University sa kursong accountancy, nakilala niya ang organisasyong Seeds of the Nations, na malaki ang naitulong upang paigtingin at palakasin ang pananampalataya niya sa Diyos at muling manumbalik ang kanyang pag-asa na mabubuong muli ang kanyang pamilya.

“My faith helped me to recover my hope and strength to believe in impossible. Faith taught me to renew my wrong mindset and have a changed life so that I could also change the situation of my family. Faith kept me to believe on the power of prayer which could reverse the situations until it made my parents’ relationship right,” saad ni Kaz.

Sa kabila ng katotohanan na imposible nang magkabalikan ang kanyang magulang, patuloy siyang naniwala at nagdasal sa Diyos na muling mabubuo ang kanyang pamilya.

“When our parents can’t fight for their relationship anymore, it is us who should fight for them. When they can’t believe and trust each other, it is us who should believe and trust for them. We should hold on to our faith.”

Oktubre 2015 nang makumpirma ni Kaz na hindi binibigo ng Diyos ang mga tapat na nananalangin at nananalig sa Kanya.

“Noong walang-wala kami, tumawag si Papa, pinapabalik kami lahat, especially ako at ‘yung kapatid ko na hindi nagkita for 11 years.”

Matapos ang higit isang dekada, naging posible ang imposible at tuluyang nagkabalikan ang mga magulang ni Kaz. Sama-sama na uli sila ngayong naninirahan sa Japan.

“All things work together for a good to those who love God. Whether good or bad things had happened, all those things were to make me and my family’s faith firm and stronger,” sabi pa ni Kaz. (Airamae A. Guerrero)