NAPAKAHALAGA na magkaisa ang public at local government units sa pagsisiguro sa kahandaan at makaiwas sa kapahamakan sa oras na lumindol.
Pinagdiinan ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum, na siya ring Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation, ang kahalagahan ng pakikiisa ng komunidad sa pagpapatupad ng disaster preparedness measures sa Metro Manila at sa mga kalapit na probinsiya.
Sa pagpupulong ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) nitong Miyerkules, iminungkahi ni Solidum na magdaos ng regular earthquake preparedness at evacuation drills sa mga barangay upang mapaghandaan ang epekto ng lindol sa mga komunidad.
At dahil kabilang ang Pilipinas sa fault systems kung saan nangyayari ang pagyanig ano mang oras, napakahalaga na bumuo ang bawat barangay ng mga grupo ng responders para sa lindol at iba pang natural calamities.
Kinakailangan din ang maayos na communication system na magagamit sa pakikipag-ugnayan sa rescue services at sa paghahatid sa mahahalagang impormasyon habang mabilis na maipapadala ang mga helicopter, ambulansiya at iba pang emergency vehicle sa pagwasak ng lindol sa mga imprastruktura na magiging sanhi ng pagkaka-isolate ng iba’t ibang komunidad.
“We must establish programs that can help communities increase awareness and encourage them into action towards preparedness for disasters,” sambit ni Solidum.
“We must prevent leadership vacuum. Local authorities should always be on ready when disaster strikes,” dagdag niya.
Para naman kay MMDA Officer in Charge at General Manager Thomas Orbos, na siya ring namamahala sa MMDRRMC, ang emergency ay imumungkahi sa Metro Manila Council (MMC) ang ikatlo nitong Metro-wide earthquake drill ay isasagawa sa mga barangay sa Hulyo 2017.
“Preparedness must cascade down to the community level. Barangay officials and LGUs should provide a semblance of governance in cases of emergencies,” ayon kay Orbos. (PNA)