folayang copy

TAPIK sa balikat sa katayuan ng lokal Mixed Martial Arts (MMA) ang pagsalang ni Pinoy champion Eduard ‘The Landslide’ Folayang bilang main card sa ika-10 event sa kasaysayan ng ONE Championship sa Manila.

Sa kabila ng katotohanan na bahagi si Folayang sa pundasyon ng ONE Championship bilang isa sa orihinal na fighter mula noong 2011, ang ONE: KING OF DESTINY ay unang fight card ng nangungunang MMA promotion sa Asya na magtatampok sa isang Pinoy sa katauhan ng pamosong Team Lakay mainstay.

Itataya ng 33-anyos mula sa Baguio City ang korona at karangalan sa harap nang mga kababayan kontra Malaysian-Kiwi sensation Ev “E.T.” Ting.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Nakatakda ang ONE Championship sa Abril 21 sa 20,000-capacity MOA Arena sa Pasay City.

Nakatikim ng main card si Folayang sa nakalipas na taon sa abroad. Sumabak sa main event ang Pinoy kontra Korean veteran A-Sol Kwon na ginapi niya via unanimous decision.

Matapos ang limang taon, muli siyang sumabak kontra Japanese MMA legend Shinya “Tobikan Judan” Aoki para sa ONE Lightweight World Championship sa ONE: DEFENDING HONOR.

“It’s my first time to be in the main event of ONE Championship’s card in the Philippines. I know that it’s a big responsibility, but I am humbled and privileged to be in this position,” sambit ni Folayang.

Inamin ni Folayang na mas lumakas ang kanyang loob at tumaas ang kumpiyansa sa pagdepensa ng korona sa harap ng mga kababayan.

“It’s going to be awesome. I love my country, and I love the Filipino people and all the MMA fans. I can’t wait to get back in there and defend our home turf. By the grace of God, I will emerge victorious,” aniya.

“I know the stakes. I know what’s riding on this fight. Ev Ting is coming for my belt. He’s coming to take what I’ve worked so hard for my entire career. There is no way I’m just going to let him take it. It’s not going to be easy, that’s for sure.”

“My main advantage over him is my experience as a fighter, especially in the lightweight division. We all know that Ev Ting came from the featherweight division, so I’m more used to fighting in this division,” aniya.

Maaari nang bumili ng tiket, bisitahin ang www.onefc.com, at sundan sa Twitter at Instagram @ONEChampionship.