SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Arestado ang kilabot na leader ng Bacani Cattle Rustling Group at isang tauhan nito sa pagsalakay ng San Carlos City Police nitong Miyerkules.

Kinilala ni Supt. Nestor Cusi, hepe ng San Carlos City Police, ang mga nadakip na sina Roger Bacani, leader ng grupo, construction worker; at Genaro Ramos, kapwa taga-Barangay Balite.

Sinabi ni Supt. Cusi na tatlo ang inihain nilang search warrant para sa illegal possession of firearms ngunit dalawa lang sa mga ito ang nagpositibo matapos na makatakas ang isa pang target bago pa maisagawa ang raid.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang Frag hand grenade, isang homemade 12-gauge shotgun na may isang bala, isang .38 caliber revolver na may tatlong bala at isang live ammunition ng M203 grenade. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental