CALACA, Batangas - Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang barangay kagawad, na umano’y isang high value target (HVT), sa buy-bust operations ng pulisya sa Calaca, Batangas.

Nasa kustodiya ng Calaca Police ang suspek na si Joey Belarmino, 48, kagawad ng Barangay Pantay, Calaca, habang nakatakas naman ang kasama niyang si Bienvilito Alvarez, 36 anyos.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 3:30 ng hapon nitong Martes nang magsagawa ng operasyon ang grupo ni SPO3 Ronald Liwanag sa Barangay Madalunot.

Nakumpiska umano mula kay Belarmino ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu. (Lyka Manalo)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga