SA nagdaang dekada, bahagyang nagbago ang direksiyon ng Mahal na Araw sa bansa, at ang dahilan nito ay ang agresibong paglipat ng mga Pilipino sa komersiyalismo. Ang mga religious re-enactment na dapat bigyang-halaga bilang pagpapakita ng ating buong katapatan sa napakahalagang panahon, ay napabilang na sa pangkaraniwang pagpipilian.
Sa bayan ng Sante Fe sa Bantayan Island, Cebu, ang ‘di pagkakasundo sa religious practices at modernong panahon ay muling papagitna sa local chief executive na susuporta sa apat na araw na Holy Week music festival.
Sa isang isla kung saan mas malalim ang pinahahalagahang tradisyon kaysa isang pulitikong nag-aalala sa “kapakanan” ng mga tao, ang ‘di pagkakasundo sa relihiyon (hindi lamang Katoliko) at turismo sa Bantayan ay umani ng hindi magandang dimensiyon sa nakalipas na mga taon.
Ang Mahal na Araw ay hindi dapat iniuugnay sa mga sexy show at inuman. Ito nakagawian na hindi kayang isakripisyo sa dahilang nakakakita ng pera ang alkalde sa tuwing may isinasagawang event sa nasabing panahon.
Kinakailangang maging malinaw sa bawat isa na ang Mahal na Araw ay hindi lamang isang kaganapan para sa mga Katoliko.
Kinakailangan ding magnilay-nilay ng ibang relihiyon sa nabanggit na okasyon.
Dapat respetuhin ng mga lokal na opisyal ang kultura at tradisyonal na pagdiriwang at hindi balewalain para kumita.
Siyempre, mahalaga ang turismo, ngunit kung mas bibigyang-halaga ito kaysa kultura at tradisyon na humuhubog sa ating pagkatao ay nangangahulugan na “ethical standards be damned.”
Ang pagkakaiba sa pagitan ng religious events at music festival ay hindi tungkol sa isyu ng paghihiwalay ng Simbahan at estado. Tapos na ‘yang argument ‘yan.
Hindi dapat isakripisyo ang mga tradisyon para lamang sa kasiya-siyang gawain na sumisira sa ating social values.
Maaaring gawin ano mang oras ang mga pang-araw-araw na gawain gaya ng bikini show. Habang ang Holy Week, na tungkol sa spiritual reflection at renewal, ay isang beses lamang sa isang taon. (Johnny Dayang)