NAKAKATUWA ang humility nina Glaiza de Castro at Marx Topacio nang makaharap ng reporters kamakailan. Ayon sa kanila, hindi nila inaasahan ang malakas na suportang natatanggap nila mula sa fans dahil sa karakter nila sa Encantadia na sina Pirena at Azulan.

Paano ba naman, maingat ang napakaraming viewers sa pagpo-post sa social media na boto sila sa team up na “AzPiren” na anila’y nagpapakilig nang husto sa kanila.

Samantala, lalong tumitindi ang mga nagaganap sa Encantadia. Inaabangan ng Encantadiks kung tuluyan na kayang maipaghihiganti nina Pirena at Ybrahim (Ruru Madrid) sina Mira (Kate Valdez) at Lira (Mikee Quintos) sa mga pumaslang sa kanila.

Huwag bibitaw, abangan gabi-gabi ang Encantadia pagkatapos ng 24 Oras.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin