Hindi na itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtungo sa Pag-asa Island para magtaas ng watawat ng Pilipinas.

Sa pakikipagkumustahan sa Filipino community sa Riyadh, Saudi Arabia nitong Miyerkules (Huwebes sa Pilipinas) inihayag ng Pangulo na sinunod niya ang payo ng China na huwag magtayo ng bandila ng Pilipinas sa Pag-asa Island dahil maaari itong ikagalit ng iba pang umaangkin sa mga isla sa South China Sea, at bilang respeto na rin sa pagkakaibigan ng Pilipinas at China.

“I will correct myself. Kasi sabi ng China, what will happen if every head of state of contending parties there around the West Philippine Sea will go there to plant the flag? There will likely be trouble,” paliwanag ni Duterte.

Unang sinabi ng Pangulo na tutungo siya sa nasabing isla sa Hulyo 12, Araw ng Kalayaan, para siya mismo ang magtataas ng bandila ng bansa.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Because of our friendship with China and because we value your [China] friendship, I will not go there to raise the Philippine flag,” aniya.

Nagbiro pa si Duterte na sa halip ay ipadadala na lamang niya ang isa sa kanyang mga anak sa isla. “Maybe I’ll send my son. Just to show to the other claimants that the blood of the Filipino is in the disputed islands,” aniya.

“Basta ang mahalaga, may ookupa sa mga isla na ‘yan para pagtibayin ang pag-angkin dito ng Pilipinas bilang mga teritoryo,” diin ng Pangulo.

Ang 37.2-ektaryang Pag-asa Island, ang ikalawang pinakamalaking isla sa kapuluan ng Spratly, ay nasa 480 kilometro ang layo mula sa kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan. (Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia)