KAILANGANG paigtingin ang pagpapabuti at pagtiyak na may mapagkukuhanan ng malinis na tubig ang mga tao sa buong mundo, ayon sa World Health Organization, at nagbabalang halos dalawang bilyong tao ang kasalukuyang gumagamit ng marumi at kontaminadong tubig.

Daan-daang libong tao ang namamatay kada taon dahil napipilitan silang uminom ng kontaminadong tubig, ayon sa World Health Organization, na humihimok ng malaking pamumuhunan upang makatulong sa paglalaan ng access sa ligtas na maiinom na tubig sa buong mundo.

“Today, almost two billion people use a source of drinking-water contaminated with feces, putting them at risk of contracting cholera, dysentery, typhoid and polio,” saad sa pahayag ni Maria Neira, nangunguna sa public health department ng World Health Organization.

“Contaminated drinking-water is estimated to cause more than 500,000 diarrheal deaths each year and is a major factor in several neglected tropical diseases, including intestinal worms, schistosomiasis and trachoma,” dagdag niya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Taong 2015 nang gumawa ang United Nations General Assembly ng Sustainable Development Goals — serye ng mga target ng UN na layuning wakasan ang kahirapan at pagpapabuti sa pamumuhay ng tao, kabilang dito ang pagtiyak na may mapagkukuhanan ng ligtas at abot-kayang tubig at kalinisan ang buong sangkatauhan pagsapit ng 2030.

Ngunit ayon sa ulat, na inilabas kahapon ng World Health Organization sa ngalan ng UN-Water, hindi makakamit ng mga bansa ang layuning ito kung hindi nila dadagdagan ang pamumuhunan dito.

Binanggit sa ulat ang katotohanan na ang mga bansa ay karaniwan nang nagdadagdag ng 4.9 na porsiyento sa taunang budget ng mga ito para sa tubig at kalinisan sa nakalipas na tatlong taon.

Ngunit inamin ng 80 porsiyento ng mga bansa na hindi pa rin sapat ang budget ng mga ito para matugunan ang pinupuntiryang pagtiyak sa pagkukuhanan ng ligtas na tubig.

“In many developing countries, current national coverage targets are based on achieving access to basic infrastructure, which may not always provide continuously safe and reliable services,” babala ng World Health Organization sa isang pahayag. (AFP)